Skip to main content

Posts

Showing posts from November, 2018

Mawala na ang lahat 'wag lang ang TIWALA

MAWALA NA ANG LAHAT WAG LANG ANG " TIWALA " BESH, minsan ka na bang nagtiwala pero sinira lang ito? O mismong ikaw  nawalan na ba ng tiwala ang tao sa'yo? Alam mo yung feeling na ayaw na ayaw natin ang niloloko tayo di ba, hmmm... Yung pagkadismaya, pagkayamot, yung pakiramdam ng naisahan masakit iyon.. ang hapdi kapag ang gumawa sa'yo ay malapit sa iyo di ba, pinagkatiwalaan mo tapos ganun ganun nalang ba... Tiwala... Ito ang isang bagay na dapat nating mapangalagaan. Hindi madaling makuha sa madaliang panahon kung ang isang tao lalu na ay isang bagong kakilala lamang. Sa kalaunan malalaman natin kung talagang mapagkakatiwalaan ito o hindi, "in due time" ika nga. Oo, besh... nasisira ang tiwala dahil sa minsan ang ibang tao  nananamantala sa kahinaan ng iba, hindi tayo bulag at manhid para hindi natin makita ito o maramdaman. Gustuhin natin o sa hindi, kung nawala na ang tiwala maaapektuhan na ang  personal na  buhay: ang pamilya, mga kaibigan ...