Skip to main content

Mawala na ang lahat 'wag lang ang TIWALA

MAWALA NA ANG LAHAT WAG LANG ANG "TIWALA"

BESH, minsan ka na bang nagtiwala pero sinira lang ito? O mismong ikaw  nawalan na ba ng tiwala ang tao sa'yo? Alam mo yung feeling na ayaw na ayaw natin ang niloloko tayo di ba, hmmm...

Yung pagkadismaya, pagkayamot, yung pakiramdam ng naisahan masakit iyon.. ang hapdi kapag ang gumawa sa'yo ay malapit sa iyo di ba, pinagkatiwalaan mo tapos ganun ganun nalang ba...

Tiwala...
Ito ang isang bagay na dapat nating mapangalagaan. Hindi madaling makuha sa madaliang panahon kung ang isang tao lalu na ay isang bagong kakilala lamang. Sa kalaunan malalaman natin kung talagang mapagkakatiwalaan ito o hindi, "in due time" ika nga.

Oo, besh... nasisira ang tiwala dahil sa minsan ang ibang tao  nananamantala sa kahinaan ng iba, hindi tayo bulag at manhid para hindi natin makita ito o maramdaman.

Gustuhin natin o sa hindi, kung nawala na ang tiwala maaapektuhan na ang  personal na  buhay: ang pamilya, mga kaibigan o karelasyon, negosyo at propesyonal na aspeto...dahil lang sa nasirang tiwala.

Kaya Beshie, ITO ANG MGA PRAKTIKAL NA PUNTOS PARA MAPANGALAGAAN ANG PAGTITIWALA:

MAY ISANG SALITA, MANINDIGAN AT MAGING TAPAT
Oo Besh, panindigan ang mga nasabing salita sa taong pinangakuan.. huwag paasahin ang isang tao kung hindi naman kayang gawin. Sabihin ang totoo, kapag hindi, hindi talaga pwede...ganun lang kasimple.

MAGING TOTOO SA SARILI, AT MALINAW ANG BAWAT SINASABI O BINIBITIWANG SALITA
OO BESH, bakit?
Kahit maliit na bagay man yan na pinangako.. kelangan maging totoo tayo sa tao mapa  pamilya, sa negosyo, kasosyo o kapartner sa trabaho.
Kailangan klaro lahat, walang pagkukuwari o exaggeration sa mga sinasabi. "Walang white lies" mga besh... kelangan yung totoo lang..

RESPETO AT COMMITMENT
Respeto sa napag-usapan na kasunduan. Kailangan  ang mga nasabi ay gawin ng tama para hindi masira ang reputasyon at pagtitiwala.

Minsan may mga pagkakataon na di inaahasan na hindi natin magawa ang pangako pero kelangan natin itong tuparin at gawin lalo na kung ito ay isang seryosong kasunduan.

Kahit pagod kana o minsan wala na tayo sa focus pero Besh kahit ano pa ang problema kelangan pangalagaan ito. Kasi ang hirap mag cope up kung wala ng maniniwala sa iyo.
Ito ay mahirap ng maibalik at matagal na panahon ito bago manumbalik muli kung may pag-asa pang maibalik ito o kung may second chance pa.

Kaya Besh, ang tiwala nawawala lang sa isang iglap, kaya mawala na ang lahat wag lang ang "TIWALA.."

Comments

Popular posts from this blog

TIPS Paano mag move on sa taong minahal mo ng sobra?

Pag-asang Magmahal Muli

PAG-ASANG MAGMAHAL MULI Marahil tinatanong mo sa'kin ngayon "Mayroon pa bang magmamahal ulit sa akin, besh?" "Paano ko ba tuturuan ang puso ko na makahanap ng totoong pag-ibig na hindi ako lolokohin at sasaktan, May pag-asa pa ba?" Hindi natin maiiwasan na mapagod tayong magmahal lalo na kung paulit-ulit nalang tayong sinasaktan.. nangangako pero ganun parin- lolokohin ka pa rin = "cycle" lang hanggang sa maghiwalay nalang, o kaya minsan mas gusto nalang natin na mapag isa, sa una ang hirap kayang mag cope up  lalo na kung minahal mo ng totoo, binigay mo ang lahat pagkatapos ipagpapalit ka lang at iiwanan. Kung tanggap mong wala na si ex sa piling mo, great ! You can wake up early in the morning na maaliwalas ang mukha mo kumpleto ang tulog at kaya mong maging masaya. Nakukuha mo ng ngumiti kahit papaano, paunti-unti naiibsan ang kirot na iyong nararamdaman... "One step at a time", sabi nga ng isang kanta. Oo, darating din kahit hind...