Skip to main content

TIPS Paano mag move on sa taong minahal mo ng sobra?


Move on

Marahil isa ka sa mga nagtatanong sa sarili ngayon kung ano ang naging dahilan ng inyong hiwalayan... Sari-saring sitwasyon ang pilit mong iniisip na paulit-ulit kung bakit nangyari ito??? O 'di kaya isa ka na rin sa mga taong hindi makatulog at gusto mo pang ibalik ito sa dati kahit alam mong wala na itong kalutasan o pag-asa pang manumbalik ang pagmamahal nya sayo. Ngayon, nahihirapan ka tuloy sa buhay, walang gana sa lahat ni kumain ayaw mo narin yung bang wala ka ng pakealam sa mundo o ayaw mo ng uminog ito.. Minsan parang gusto mo ng wakasan ng buhay... Ngunit 'wag naman humantong sa ganoon.

Beshie, hindi ka nag-iisa.. Nandito ako makikinig sa'yo. Sige iiyak mo lang yan lahat.. Ibuhus mo lahat ng sama ng loob mo. Kung gusto mong sumigaw... Sige lang basta maging magaan kahit kaunti ang sakit dyan sa dibdib mo.

Ano man ang sanhi ng iyong pag hihiwalay, tiyak may dahilan bakit nangyari ito. Ano man iyon hindi na importante, ang ngayon ay  ang mahalaga, so paano ka  ba makaka pag move on?

Kasi kadalasan kung mahal ka ng isang tao hindi ka iiwanan sa ere in the first place... So if iniwan ka, be it... Hindi lang sya ang tao sa mundo.. MARAMING ISDA SA DAGAT, ika nga na mas better at magiging compatible kayo. Wag mong sirain ang buhay mo sa kanya kasi kung ipipilit mo lalu ka lang masasaktan.

Isipin mo nalang na "hanggang doon nalang" ang papel mo sa buhay nya... Ito ang payo ni Besh sayo mga Bro/mga Sis:

ALISIN ANG MGA BAGAY NA NAGPAPAALALA SA KANYA
Kung maaari ay wag nang makipag usap, wag ng mag stalk/sundan sa FB, IG o anu mang uri ng komunikasyon.. Cut.. Cut.. Cut na. STOP. Ano pang punto kung di na maibalik kahit friends nalang...di ba.

ACCEPTANCE.
YES!, sa una masakit at hindi natin ito matanggap pero kailangan tanggapin...araw araw matututunan mo rin ito para hilumin ang hapdi at sakit ng kahapon.

MAHALIN ANG SARILI at MAGTIRA ng RESPETO sa sarili.
Yung bang kahit wala na sya iinog parin ang mundo mo... Mag simula kang muli, bumangon kahit wala sya sa piling mo.. Matututunan mo rin ito paunti-unti.

BUMALIK SA DATING GAWI O HOBBIES
Kung dati mahilig ka sa sports, active ka sa mga organisasyon: Go..go.. go lang besh... At least magiging makabuluhan ang oras mo kaysa magmukmok.

MULING PUNTAHAN AT MAKI-BONDING SA MGA MATALIK AT MAPAGKAKATIWALAAN MONG MGA KAIBIGAN
So kung hindi ka makapag open up ng personal sa kamag-anak, kapatid mo o sa magulang, sila ang karamay mo...
Oo,  kung dati tumamlay ang pagkakaibigan dahil nga sa naging karelasyon, ito na ang tamang pagkakataon na bumawi sa kanila.. Kelangan mo ng "Company" para lumihis ang isipan sa sakit na dulot nito. Siguradong maiintindihan ka nila, maibabahagi ang mga karanasan nila para sa susunod na mag mamahal ka ba may hints ka na para doon at ano ang dapat gawin.

MAGPAGANDA, MAGPAPOGI, MAG GYM!
Oo, aba bawal na ang losyang ngayun dapat mahalin ang sarili at ibalik ang dating alindog.. Alagaan ang sarili ng tama.

MAGING MASAYA at POSITIBO
Magkaroon ka ng SELF-CONFIDENCE na kaya natin maka move on at maging positibo ang pananaw sa buhay. ALISIN ANG "NEGA" o sobrang "DRAMA" sa buhay. Isipin natin kaya nga nangyari ito ay mayroon mas magandang kapalaran para sa iyo.

Naku besh! move on, walang mali sayo, it is just that nagkamali kalang sa taong minahal. CHEER up sana wag kang mawawalan ng pag-asa, okay... Move on.. Kaya pag dating ng panahong naka move on kana tatawanan mo lang lahat yan  at sasabihin mong " I am over you", I am happier without you and I am a better person without you.

I hope nakatulong sa'yo ito kahit papaano... So kung may katanungan pang iba sasagutin ko at abangan sa susunod kong mga blogs... Sumubaybay lang mga besh. Hanggang sa muli.

BESHIE-OH
_roa











Comments

Popular posts from this blog

Mawala na ang lahat 'wag lang ang TIWALA

MAWALA NA ANG LAHAT WAG LANG ANG " TIWALA " BESH, minsan ka na bang nagtiwala pero sinira lang ito? O mismong ikaw  nawalan na ba ng tiwala ang tao sa'yo? Alam mo yung feeling na ayaw na ayaw natin ang niloloko tayo di ba, hmmm... Yung pagkadismaya, pagkayamot, yung pakiramdam ng naisahan masakit iyon.. ang hapdi kapag ang gumawa sa'yo ay malapit sa iyo di ba, pinagkatiwalaan mo tapos ganun ganun nalang ba... Tiwala... Ito ang isang bagay na dapat nating mapangalagaan. Hindi madaling makuha sa madaliang panahon kung ang isang tao lalu na ay isang bagong kakilala lamang. Sa kalaunan malalaman natin kung talagang mapagkakatiwalaan ito o hindi, "in due time" ika nga. Oo, besh... nasisira ang tiwala dahil sa minsan ang ibang tao  nananamantala sa kahinaan ng iba, hindi tayo bulag at manhid para hindi natin makita ito o maramdaman. Gustuhin natin o sa hindi, kung nawala na ang tiwala maaapektuhan na ang  personal na  buhay: ang pamilya, mga kaibigan ...

Pag-asang Magmahal Muli

PAG-ASANG MAGMAHAL MULI Marahil tinatanong mo sa'kin ngayon "Mayroon pa bang magmamahal ulit sa akin, besh?" "Paano ko ba tuturuan ang puso ko na makahanap ng totoong pag-ibig na hindi ako lolokohin at sasaktan, May pag-asa pa ba?" Hindi natin maiiwasan na mapagod tayong magmahal lalo na kung paulit-ulit nalang tayong sinasaktan.. nangangako pero ganun parin- lolokohin ka pa rin = "cycle" lang hanggang sa maghiwalay nalang, o kaya minsan mas gusto nalang natin na mapag isa, sa una ang hirap kayang mag cope up  lalo na kung minahal mo ng totoo, binigay mo ang lahat pagkatapos ipagpapalit ka lang at iiwanan. Kung tanggap mong wala na si ex sa piling mo, great ! You can wake up early in the morning na maaliwalas ang mukha mo kumpleto ang tulog at kaya mong maging masaya. Nakukuha mo ng ngumiti kahit papaano, paunti-unti naiibsan ang kirot na iyong nararamdaman... "One step at a time", sabi nga ng isang kanta. Oo, darating din kahit hind...