Skip to main content

Pag-asang Magmahal Muli

PAG-ASANG MAGMAHAL MULI

Marahil tinatanong mo sa'kin ngayon "Mayroon pa bang magmamahal ulit sa akin, besh?"
"Paano ko ba tuturuan ang puso ko na makahanap ng totoong pag-ibig na hindi ako lolokohin at sasaktan, May pag-asa pa ba?"

Hindi natin maiiwasan na mapagod tayong magmahal lalo na kung paulit-ulit nalang tayong sinasaktan.. nangangako pero ganun parin- lolokohin ka pa rin = "cycle" lang hanggang sa maghiwalay nalang, o kaya minsan mas gusto nalang natin na mapag isa, sa una ang hirap kayang mag cope up  lalo na kung minahal mo ng totoo, binigay mo ang lahat pagkatapos ipagpapalit ka lang at iiwanan.

Kung tanggap mong wala na si ex sa piling mo, great ! You can wake up early in the morning na maaliwalas ang mukha mo kumpleto ang tulog at kaya mong maging masaya. Nakukuha mo ng ngumiti kahit papaano, paunti-unti naiibsan ang kirot na iyong nararamdaman... "One step at a time", sabi nga ng isang kanta. Oo, darating din kahit hindi mo siya hanapin...Malay mo hindi mo alam nandyan lang sa tabi-tabi ang isang kaibigan na lagi mong kasama o 'di ba, who knows at siya na pala ang tamang pag-ibig para sayo.

Beshie-oh, huwag kang magmadali...ang puso ay kusang  magmamahal sa hindi mo minsan inaasahan na karapat dapat na mahalin at deserving naman talaga...

*Narito ang mga ilang puntos na dapat na tandaan. Pagkatapos ng break up, kailan o papaano ba natin masasabing may pag-asa pang magmahal muli:

ME" TIME
Reflect...
Listen to your heart kung ano ang dinidikta at real score ng nararandaman mo.. is he/she the "One" na nga ba? Siya na ba ang taong gusto mong makasama pang habang buhay...

MAKIPAGKILALA
Do not close your door lahat nagsisimula sa friendship, doon mo makikilala ang ibat-ibang uri ng tao, kung ano ang pagkatao nito. .. actually you will know if you have similarities and differences.. at doon mo masusubukan at masasabi mong compatible kayo...at kung may pareho kayong interests I am sure magkakasundo kayo sa halos lahat ng bagay.

ACCEPT AND APPRECIATE THE PERSON
Tandaan walang perfect relationship... meron at meron parin flaws mapa bf/gf o kaya kahit mag asawa pa yan.  Accept and i-appreciate natin bilang siya at  hindi yung ex mo ang nakikita mo sa kanya at ginagawang panakip butas. Remember magkaiba sila sa pag uugali, pakikitungo at pagmamahal sa iyo.

READY TO COMMIT
Kung magmamahal ka ulit, magmahal na ka sa taong may sense of "Responsibility", yung "Walang Sabit", buo ang loob na mahalin ka, walang pagkukunwari. Masarap magmahal na ikaw lang sa buhay nya, right?  Ready to commit and FREE. Yung walang magulo at hindi sumasakit ang ulo mo sa kakaisip kung may kasamang iba... di ba... at walang tago ng tago.. masarap magmahal ng malaya kayo na ipakita na "kayo", besh.

RTPP (RIGHT TIME, PLACE AND PERSON)
Nasa tamang panahon at pagkakataon lang mga besh. Ikaw lang makapagsasabi na siya ang dapat na mahalin DAHIL IKAW ANG MAKIKISAMA...kahit ano man ang payo ng iba ikaw parin ang magpapasya sa huli kung siya na ba talaga ang mamahalin mo... Ang importante ay magkasundo kayo and learn to compromise.

HUWAG MAGKUPARA
Ito ang malaking pagkakamali ng karamihan ngayon. Hinahalintulad ang Ex  sa karelasyon ngayon. Kung ang una ay niloko ka, hindi naman ibig sabihin na ganoon din ang mangyayari ngayon.

THE "NEW" YOU
Kung ano man ang naging pagkakamali mo noong una na isa rin sa naging dahilan ng hiwalayan, LEARN from it at huwag ng gawin muli ang mga maling nagawa mo. DO your best para mag work out ang relasyon, give and take lang, Beshie.

Bagong ikaw, bagong simula. PALAYAIN mo na ang sarili mo sa nakaraan, iwanan mo na doon ang masalimuot na bangungot at kapag nahanap mo na si Mr or Ms Right hindi ka na malulungkot pa..may kasama ka na at maligaya sa piling niya.

Sana ay nakatulong ito sa iyo para magmahal kang muli na may pag-asa ka na maging masayang muli sa hinaharap.

"Hindi ka na muling luluha pa at hindi na mangungulila ang puso mo na minsan ay sukdulang sinaktan ng iba..."

Beshie-oh
_roa

Comments

Popular posts from this blog

TIPS Paano mag move on sa taong minahal mo ng sobra?

Mawala na ang lahat 'wag lang ang TIWALA

MAWALA NA ANG LAHAT WAG LANG ANG " TIWALA " BESH, minsan ka na bang nagtiwala pero sinira lang ito? O mismong ikaw  nawalan na ba ng tiwala ang tao sa'yo? Alam mo yung feeling na ayaw na ayaw natin ang niloloko tayo di ba, hmmm... Yung pagkadismaya, pagkayamot, yung pakiramdam ng naisahan masakit iyon.. ang hapdi kapag ang gumawa sa'yo ay malapit sa iyo di ba, pinagkatiwalaan mo tapos ganun ganun nalang ba... Tiwala... Ito ang isang bagay na dapat nating mapangalagaan. Hindi madaling makuha sa madaliang panahon kung ang isang tao lalu na ay isang bagong kakilala lamang. Sa kalaunan malalaman natin kung talagang mapagkakatiwalaan ito o hindi, "in due time" ika nga. Oo, besh... nasisira ang tiwala dahil sa minsan ang ibang tao  nananamantala sa kahinaan ng iba, hindi tayo bulag at manhid para hindi natin makita ito o maramdaman. Gustuhin natin o sa hindi, kung nawala na ang tiwala maaapektuhan na ang  personal na  buhay: ang pamilya, mga kaibigan ...