"Aba Besh, ito na ang pinaka-abalang parte ng taon ang "BER" months, excited ka na bang bumisita sa Pampanga? Tara, kuentuhan muna tayo..."
Pagpatak na ng a-uno ng SeptemBER , nagsisimula ng maging abala ang mga tao sa pagpapatugtog ng mga awiting pamasko at inilalabas na ang mga Christmas tree sa bodega ng bahay para madekorasyunan itong muli. Marami na dyan ang nagsisimulang mag-ipon para sa pangarap na ibili para sa sarili at mamili sa tiangge midnight sale o 'di kaya sa mga malls para mamili ng regalo sa kani-kanilang mga kaanak, mga kaibigan at inaanak, mga nagsisimula ng magbilang ng mga araw at nagpaplano na kung anong ilalaan sa kani-kanilang matatanggap na 13th month pay o Christmas bonus.
Besh, halos lahat ng fiesta lalo na kapag OctoBER dito ay ang Fiestang Kuliat/Twin Fiesta kung tawagin: "La Naval o Piesta ning Angeles at Piestang Apu (Apu Shrine)" halus magkasunod lang dito sa aming lugar at pinaghahandaan talaga ng mga AngeleƱo. Tradisyon na sa amin ang prosisyon o "limbun" sa kapampangan dito sa Simbahan ng Santo Rosario kung saan ang mga deboto ay nagpapanata naroroon para magdasal at magpasalamat sa lahat ng biyaya.
Naalala ko rin noon at OctoBER din iyon niyaya ako ng isa sa aking mga matalik na kaibigan at kumare na si "Jo" na dumalo sa "OktoBERfest" dito, halos nag-enjoy kami kasama ang kanyang kaibigan, lahat na yata ng klase ng banda ay pinanood namin. Ibat-ibang mga artista, komedyante at pakulo ay naroroon. Naku besh, matutuwa ka..paborito ko kasi ang manood ng mga pagtatanghal lalo na sa larangan ng musika. Kaya subukan mo rin dumalo kung may oras ka siguradong patok ito sa iyo sa OktoBER mo.
Pagsapit naman ng NovemBER ay ang Undas. Natitipon-tipon ang mga pamilya. Kanya-kanyang bitbit ng kandila, mga pagkain, upuan at mga ibang gamit para dumalaw, mag-alay ng mga bulaklak at magdasal. Nagsisilbing REUNION na rin sa mga kaanak habang ang mga bata naman ay gumagawa ng mga bola na gawa sa kandila na parang tayo rin noong bata pa. Ang sarap kayang gunitain ito mga besh.
Sa kabilang dako sa kasalukayan besh, may nakikita na rin akong mga ilang palamuti sa daan, nagsisimula ng maglagay ng mga dekorasyon na sumisimbulo ng kapaskuhan. Ang mga barangay ay naghahanda at nagpapaligsahan rin sa pagandahan ng tema tuwing sasapit ang Pasko gamit ang mga recycled na materials.. Halos abala ang Angeles City sa mga kaganapang ito.
IBABAHAGI ko sayo Besh ang ilan sa mga paborito ko ... sari-saring mga kakanin! WOW, masarap ito yung paborito kong okoy na maraming hipon at lahat na klasi ng pansit ay mabibili rito sa isang kilalang kainan dito sa amin sa Pampanga. Naku besh, i-try mo ang bilo-bilo o ginataan "sampelot" masasabi kong sulit ang bayad mo sa 'di kamahalang halaga. Sa ganitong kaaga may nagtitinda na ng PUTO BUMBONG na patok dito at bibingka sa may Mc Arthur Highway na lagi kong dinarayo para bumili lang nito. Ito halos ang na-mi-miss ng mga balikbayan natin yun ang kumain ng masarap na puto bumbong na espesyal na may kasamang niyog, kondensada at ginadgad na keso masasabi mong "you're home", nakakamiss ang mga ganito besh, yung luto at gawang kapampangan.
Naku besh, natutuwa rin ako sa ibang mga bata ngayon maaga ng nagkakaroling sa tuwing nasa traffic ako pauwi na imbes na uminit ang ulo ko hay! ayun napapawi ang pagod ko. Ayun lumalapit sila sa aking sasakyan at kakantahan ako pagkatapos pinapatunog nila ang mga pinitpit na tansan na pinagsama-sama at mga lumang lata na kaya nilang patunugin na tila binabalik ako sa aking kabataan.
Habang nasa biahe ako nag babalak na rin kung ano ang gagawin ng DecemBER kung magtravel na mag-isa? Umuwi sa probinsya at magstay sa bahay kasama ang pamilya? Ikaw besh, ano ang plano mo ngayong mga BER months?
Well besh, kahit taga asaan ka man irerecomenda ko ang Pampanga! Isusulat ko sa wishlist ang pagpunta, maganda ang pagdalo sa mga okasyon dito lalo na pag "BER" so kung balak mong magbakasyon subukan mong bumisita sa aming bayan at tiyak magugustuhan mo.
WELCOME ka dito Besh, "napakasarap ng lutong kapampangan", sulit na sulit ang lahat ng pagpunta mo.
Ano pa ang hinihintay yayain na ang buong pamilya at magplano.
BESHIE-OH
-roa
Comments