Hi mga Beshies, ngayong malapit na naman ang pasko sigurado ako ma-iistress ka na naman sa pag ba-budget ng iyong sahod, so simulan mo na ngayon kung papaano ka makakatipid at makakaluwag para maging bongga ang pasko mo pero swak pa rin sa budget mo.
Ngayon panahon na ito mataas na ang mga bilihin ultimong gulay masyadong mahal 'di ba, halos kapos na at kumukulang pa ang natatanggap mo tuwing sahod lalo na kung wala kang sideline hindi mo na mabili minsan ang kailangan na bilhin.
Kaya heto ang ilang mga Christmas BUDGET TIPS para makatulong sa'yo:
PAGKASYAHIN ANG BUDGET
Mamili lamang sa kaya ng Bulsa. Huwag ipilit kung hindi kaya. Huwag tumulad sa mga nag papasiklab lang para makapag impress ng iba. Ang mahalaga dito ay disiplina at kung papaano makapag budget ng tama at i-celebrate ang Pasko na kasama ang pamilya.
MAGLISTA NG BIBILHIN
I-prioritize natin ang ating mga kailangan, umpisa sa basic commodities, pagkain at isipin kung dapat ba itong bilhin at hindi, mag lista ng maayos at alamin ang presyo ng bawat items kung saan ka makakatipid. Hindi kase pare-pareho ang presyo ang mga tindahan pero pareho lang naman ang item nila kelangan maging matalino sa pamimili.
MAGPLANO NG LULUTUIN O POTLUCK
Kung ngayong Pasko may mga relatives kayo na kasama, magplano kung ano ang lulutuin para iba-iba ang mga putahe na dadalhin. Makakatipid din kayo kung kayo ang magluluto at magpe-prepare. Masaya na may reunion pa at makakapag bonding ang buong pamilya.
HUWAG MAGPANIC BUYING O MAG RUSH
Mag plano ng maaga, mas magandang mamili ng mga regalo kung medyo malayo pa ang okasyon para iwas sa maraming tao mga beshie oh , makakapamili ka pa ng maayos at hindi siksikan lalo na kung sa Divisoria ka mamimili. May oras ka pa na makapili ng items na gusto mong bilhin.
PUMUNTA SA TIANGGE at sa mga SALE
Para marami ka pang maibili sa iyong pera, subukan pumunta sa mga Sale. Halos mga malls ngayon nagbibigay ng malaking discount from 10% to 50% sa mga selected items nila. Kaya abangan sa inyong lugar kung kailan sila mag ki-Christmas Sale. At kung hindi ka rin naman maselan pumunta sa mga Tiangge para mamili ng mga damit sigurado ako sulit naman ito basta matiyaga ka lang maghanap ng mga magagandang items dito.
Sa panahong ito kelangan maging:
- PRAKTIKAL at WAIS mga Beshie...
- Tamang Diskarte na walang kaartehan sa buhay. Mas maganda na ang nasa tamang direksyon kesa panay utang Kung may natira man sa budget/pera, Magimpok sa Bangko.
STAY-CATION
Kung wala ka rin lang naman pupuntahan na iba o magbakasyon sa ibang lugar, pwedi naman mag pasko at mag "Stay" sa bahay at doon mag movie marathon kasama ang mahal mo. Hindi naman kasi kailangan na gastusan mo ng bongga, nakatipid kana may Quality Time pa sa mahal mo di ba Beshie...
So alalahanin Beshie, magplano ng mabuti para hindi ka mashort sa budget mo... Ok? I Hope nakatulong ito sa'yo.
BESHIE-OH!
_roa
Comments