Oo, alam ko nakakapagod na yung paulit-ulit nalang sa araw-araw ang ating mga ginagawa minsan gusto na natin bumitaw. Minsan sa iyong buhay siguro napansin mo nalang na bigla nalang pumapatak ang mga luha mo dahil sa wala kang magawa, umiiyak nalang sa isang sulok walang nakakaintindi, o nawawalan na ng pagasa... Minsan may mga pagkakataon o bagay tayong gustong gawin o mga pangarap pero hanggang ngayon ganito pa rin 'di ba pero kelangan natin ng pasensya at magpakatatag... Darating din ang tamang panahon, tamang oras, tamang pagkakataon doon sa mga pinapangarap mo...hindi lahat ng bagay Besh madali, basta ang mahalaga marunong tayong maghintay ng tamang sandali. Hindi sa lahat ng laban at pagkakataon winner tayo Beshie, pero tandaan mo lang na hindi din lahat ng oras nasa ibaba o failure ka na sinasabi ng iba, darating din ang totoong para sa'yo. Basta manalig ka lang at huwag mong kakalimutan na lakipan ng mga dasal ang iyong mga hinihilig nawa'y matupad na rin sa hinah...
MAWALA NA ANG LAHAT WAG LANG ANG " TIWALA " BESH, minsan ka na bang nagtiwala pero sinira lang ito? O mismong ikaw nawalan na ba ng tiwala ang tao sa'yo? Alam mo yung feeling na ayaw na ayaw natin ang niloloko tayo di ba, hmmm... Yung pagkadismaya, pagkayamot, yung pakiramdam ng naisahan masakit iyon.. ang hapdi kapag ang gumawa sa'yo ay malapit sa iyo di ba, pinagkatiwalaan mo tapos ganun ganun nalang ba... Tiwala... Ito ang isang bagay na dapat nating mapangalagaan. Hindi madaling makuha sa madaliang panahon kung ang isang tao lalu na ay isang bagong kakilala lamang. Sa kalaunan malalaman natin kung talagang mapagkakatiwalaan ito o hindi, "in due time" ika nga. Oo, besh... nasisira ang tiwala dahil sa minsan ang ibang tao nananamantala sa kahinaan ng iba, hindi tayo bulag at manhid para hindi natin makita ito o maramdaman. Gustuhin natin o sa hindi, kung nawala na ang tiwala maaapektuhan na ang personal na buhay: ang pamilya, mga kaibigan ...