MAWALA NA ANG LAHAT WAG LANG ANG " TIWALA " BESH, minsan ka na bang nagtiwala pero sinira lang ito? O mismong ikaw nawalan na ba ng tiwala ang tao sa'yo? Alam mo yung feeling na ayaw na ayaw natin ang niloloko tayo di ba, hmmm... Yung pagkadismaya, pagkayamot, yung pakiramdam ng naisahan masakit iyon.. ang hapdi kapag ang gumawa sa'yo ay malapit sa iyo di ba, pinagkatiwalaan mo tapos ganun ganun nalang ba... Tiwala... Ito ang isang bagay na dapat nating mapangalagaan. Hindi madaling makuha sa madaliang panahon kung ang isang tao lalu na ay isang bagong kakilala lamang. Sa kalaunan malalaman natin kung talagang mapagkakatiwalaan ito o hindi, "in due time" ika nga. Oo, besh... nasisira ang tiwala dahil sa minsan ang ibang tao nananamantala sa kahinaan ng iba, hindi tayo bulag at manhid para hindi natin makita ito o maramdaman. Gustuhin natin o sa hindi, kung nawala na ang tiwala maaapektuhan na ang personal na buhay: ang pamilya, mga kaibigan ...
![BESHIE OH! Blogs](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEg8C8qPPPnmknIAi0HQn41A-CldnrR1yX7yPOArOyPxK2VB9rmTRL1LrihL9otsYlHSdGE5MWNjhnSqOa4_LT_IWW_puOYfyGyYczfQ9Xt_J7YlIpEEGrL3Fzo-ZMDuRS0amNKJZGJ1NNw/s680/LogoMaker_15092018111642.jpg)
Ang Beshie-Oh! ay nagsimula sa pagtawag ng isang matalik na kaibigan bilang isang "endearment" na may saya at ngiti sa mga labi. Ito ay isang malaya at tapat na pamamahayag base sa napapanahong isyu, tunay na karanasan ng mga tao at ng may akda na sumasalamin sa tunay na buhay upang magmulat, makatulong at makapagbigay ng payo sa pamamagitan ng blog na ito at walang intensyon na makasakit ng damdamin ng iba.